•  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
Boto Mo Ipatrol Mo
You are here: Home

Mga sundalo ay nangampanya na di botohin ang mga Partylists

Magandang araw sa Boto Mo iPatrol Mo!

May sumbong sana ako sa BMPM sana mapansin ito kasi alam ko mali ito.

Ang larawang ito ay mula sa Davao City. Kuha ito ng mga estudyante mula sa isang paaralan dito sa Davao (Philippine College of Technology) habang ang mga sundalo (taga 69 batallion) ay nangangampanya sa mga estudyante na huwag iboto ang mga partylist gaya ng Bayan Muna, Gabriela, Kabataan at Anakpawis dahil ito daw ay mga NPA. Nangangampanya din sila na huwag iboto ang mga partylists na ito dahil ang pork barrel daw ng  mga ito ay binibigay sa NPA. Armado po at nakauniporme ang mga sundalo habang nagdadaos ng forum.

Hindi po ba dapat ang mga military po natin ay non-partisan? hindi dapat nangangampanya pabor o laban sa isang kandidato o tumatakbong partido? Sana mabigyan pansin ito ng mga sundalo at ng BMPM

 

 

 

 

Comments (4)Add Comment
0
sana ilabas
written by stum casia, April 10, 2010
sana ilabas sa news ang istoryang ito?
0
sundalo ako
written by sundalo ako, April 11, 2010
alam nyo ba na ang bayan munang partylist ang grupong nananawagan na mag increase ng sweldo ang mga sundalo? pero bakit nyo tinitira? mag isip naman kayo
0
...
written by Boyet Armando, May 22, 2010
Bakit Hindi kinondena ng Bayan Muna, Gabriela, Anakpawis at Kapataan ang pagambush ng NPA sa mga sundalo sa ComVal na namatay ang isang civilian? Bakit hindi nagkondena ang ang mga grupo na ito sa ganitong klaseng gawain ng NPA kung talagang patas sila at para sila sa sundalo sila?

Write comment

busy