Kwento ng Pasko - Bayan Patroller Allan Jeff Evangelista

image

Ipinadala ng magkakabarkadang Bayan Patrollers na sina Allan Jeff Evangelista (Director), Bernard Aringo (Cameraman), at Joeven Gonzales (Asst. Cameraman) ang video na ginawa nila tungkol sa kanilang ‘Kwento ng Pasko’

Ang mga footage ay kuha sa iba’t ibang lugar sa Batangas City at nag-shoot sila ng dalawang araw para mabuo ang music video. Nilapatan nila ito ng kanta mula sa 2012 Christmas Station ID ng ABS-CBN na ‘Kwento ng Pasko’ at sa video kinukwento ng iba’t ibang mga tao kung ‘Papaano nga ba sila nagdiriwang ng pasko?’

Ginawa nila ang video na ito bilang pasasalamat sa mga biyayang natamo nila nitong nagdaang taon (2012) at para magamit din nila ang kanilang talento sa isang makabuluhang proyekto. Nais nilang ipa-batid sa mga tao na ang tunay na diwa ng pasko ay hindi nasusukat sa mga materyal na bagay o sa estado ng iyong pamumuhay. “Ang pasko ay higit pa sa regalo, ito ay kasiyahan, pagmamahalan, at pagbibigayan.” Dagdag pa nila, ang pasko ay hindi lang para sa mga bata kundi para sa lahat.

Mga Bayan Patrollers! Welcome to your new home. Send in your reports by clicking on the "Submit a Report" tab or tweet us a photo with the #BMPMTayoNa hashtag (your tweet will appear in our #BMPMTayoNa page)