Illegal Postering of Campaign Materials

February 12, 2013 | 01:05 AM image

Nakita po namin ang mga ito at kinuhanan namin ng litrato noong palabas kami ng school namin, sa Polytechnic University of the Philippines. Nakakainis at nakakapanghinayang dahil kaka-pintura lang ulit ng obelisk sa university namin tapos pinaskilan na nila ng napakaraming posters. Inabuso ng partylist at ng politikong 'to ang mga areas sng aming university na ultimo pader at puno, nilagyan nila ng posters. Unti-unti nang nire-renovate ang aming paaralan, tapos bababuyin lang nila basta-basta, at sila pang mga nangangampanya ang gumawa nito. Paano naman pagkakatiwalaan ang mga katulad nila na maging ang espasyo ng isang lugar ay inaabuso na?

Mga Bayan Patrollers! Welcome to your new home. Send in your reports by clicking on the "Submit a Report" tab or tweet us a photo with the #BMPMTayoNa hashtag (your tweet will appear in our #BMPMTayoNa page)